LPGMA may rolbak mamayang hatinggabi

EPEKTIBO mamayang hatinggabi ay mabibili na sa P590 ang 11-kilogram ng liquefied petroleum gas (LPG) ng LPG Marketers’ Association (LPGMA).

Ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arney Ty, ito na ang ikalimang pagkakataon o katumbas na P5 na ang ibinaba ng presyo ng kada kilo ng kanilang LPG nitong nakalipas na araw.

Ani Ty, kanila pang inaalam kung maaari pang ibaba ng husto ang presyo ng LPG sa mga susunod na araw.

Ang rolbak ay bunsod pa rin ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply