LRTA: Ruta ng tren mula Monumento-Baclaran sinimulan na

SINIMULAN na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang maikling ruta ng ilan sa kanilang tren na tumatakbo sa pagitan ng Baclaran sa southern Metro Manila at sa Monumento sa Caloocan City.

Sa anunsyo sa kanilang  website, sinabi ng LRTA  na ang mga tren na bumabiyahe ng maikling ruta ay sisimulan sa pagitan ng 6 hanggang 10 a.m. tuwing weekdays, maliban na lamang kung holiday kapag mas maraming mga pasahero ang sasakay sa LRT-1.

Sinabi ng LRTA na ang bagong patakaran ay upang makabalik agad ang tren sa Baclaran at masilbihan ang karamihan sa mga pasahero.

Sa kabilang dako, pinapayuhan din ang mga pasahero na patungong Balintawak at sa Roosevelt sa Quezon City na maghintay na lamang sa mga tren na patungo sa nasabing mga istasyon.

Ang LRT-1 na umuugnay sa Baclaran at Roosevelt sa Quezon City, at sa Balintawak at Roosevelt ay bagong dagdag sa kanilang ruta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply