LTFRB: Mga lumang bus, aalisan ng prangkisa

TATANGGALAN ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board ng prangkisa ang mga lumang buses na bumibiyahe sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay LTFRB Chairman Jaime Jacob , layon ng naturang hakbang na matugunan ang sobrang bilang ng mga bus sa lansangan ng Metro Manila, partikular sa EDSA.

Ayon kay Jacob, ipasasara na ng ahensya ang mga bus franchise na may mga lumang unit at pag-aaralan na rin kung sobra na ba ang mga bus company na may mga pare-parehong ruta.

“May separate tayong programa: ‘yung pagtanggal ng mga phased out nang sasakyan, gagawin natin yan within the year. ‘Yung pasara na po ng bagong franchises, isa yan habang ginagawa. ‘Yung nationwide survey para i-determine kung saan ang kulang, kung san ang sobra na.”

Isa rin sa mga proyekto ng LTFRB ang pagtatayo ng mga intermodal terminal upang hindi na magsiksikan sa Metro Manila ang ilang provincial buses.

“‘Yung pagtayo ng parang intermodal terminals para ‘yung mga galing sa probinsya ay hindi na makapasok sa Metro Manila. Maglalagay ng isa sa manggagaling sa south, isa naman sa mga manggagaling sa north. Due for awarding na siya, after bidding, within the year, so siguro may one year construction ‘yung terminal. By 2014, operational na siya.”

Aminado naman si Jacob na marami ang di pabor sa intermodal terminal dahil inconvenient umano ito ngunit mas malaki naman ang maiaambag nito para maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply