Lupa sa 20 probinsya isasama sa repormang agraryo

HINDI na hihintayin ng Malakanyang ang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino ngayong Hulyo para tugunan ang hirit ng mga magsasaka na isama sa kanyang SONA ang repormang agraryo.

Ilalabas ang taunang target kada probinsiya lalo na sa top 20 probinsiya na may pinakamatataas na bilang ng lupang di pa naipapamahagi.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, sa pulong ng ilang cabinet officials sa mga magsasaka ay agad na ilalatag sa mga ito ang panig ng pamahalaan para sa kanilang panawagan na full implementaion ng extended Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Isang malaking kilos-protesta ng grupo ng mga magsasaka at mga Catholic bishops ang nakatakdang magpunta ngayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, tinatayang nasa 5,000 mga magsasaka ang magtutungo sa Malacañang para sa gagawing aktibidad.

Aniya, sa kasalukuyan, mayroon ng 30 mga obispo ang nagpahayag ng suporta sa layunin ng protesta.

Kabilang umano sa mga ito ay sina Manila Archbishop Luis Antonio Tagle at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma.

Ang mga opisyal na makikiisa sa pulong ay sina Agrarian Reform Sec. Gil delos Reyes, Budget Sec. Butch Abad, DSWD Sec. Dinky Soliman ,Agriculture Sec. Proceso Alcala at Sec. Lacierda.

Ngayon pa lang ay naghahanda na si Pangulong Aquino para sa kanyang SONA sa Hulyo.

Sinabi ni Sec. Lacierda na kinausap na ng Pangulong Aquino ang lahat ng  kanyang cabinet members upang kuhanan ng mga achievement reports ng mga ito.

At sa tanong kung “safe” na sabihin na ang nangyaring pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang “highlight” ng SONA ng Pangulong Aquino ay sinabi nito na “It is not safe to say.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply