Luzon, magiging maulan dala ng Hanging Habagat

MALAKI ang tsansa na magiging maulan ang buong maghapon sa malaking bahagi ng Luzon lalo na sa Kanluran at Gitnang Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Manny Mendoza, Weather Forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ito ay epekto pa rin ng bagyong Butchoy at Hanging Habagat.

Dahil dito, inabisuhan ni Mendoza ang mga residente sa Kanluran at Gitnang Luzon na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, nakataas ngayon ang Gale warning sa Hilaga, Silangan at Kanlurang bahagi ng Luzon kaya pinapayuhan ang mga mangingisda at iba pang sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa panganib na dala ng malalakas na hangin at alon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply