Luzon patuloy na makararanas ng mga pag-ulan

ASAHAN na magpapatuloy ang mga nararansang pag-ulan sa Luzon lalo na sa dakong hapon o sa gabi, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ito ay dahil apektado ng monsoon trough na nagmumula sa West Philippine Sea ang western section ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila.

Mararanasan naman sa ibang bahagi ng bansa ang makulimlim na kalangitan at mga biglaang pag-ulan na hindi naman tatagal.

Maglalaro ang temperatura mula 25 hanggang sa 32 degress Celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply