Maarte at isip bata kaya hiniwalayan ni Bossing si Pauleen

USAP-USAPAN ang hiwalayan nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Ang Rason: Hindi na raw sila magkaintindihang dalawa. Oo, pareho silang Pilipino, hindi lang sila magkaintindihan sa ugali. Masyado raw maarte at isip bata itong si Pauleen. Madalas daw may tantrum. Pero hindi naman naglulupasay. Hehehe!

Ewan lang natin, huh! Nung maging sila, naguluhan tayo. Hindi natin alam kung totoo ‘yun. Nitong mag-break kuno sila, mas lalo tayong nahilo. Wala naman kasing nagsasalita sa kanila. Puro lang sabi-sabi. Sana magkabalikan silang magtatay, este, magsyota. Hahaha!

***

Hindi pumik-up ang ‘Boy Pick-Up’

PINALABAS na pala ang Boy Pick-up: The Movie ni Ogie Alcasid pero parang walang nangyari. Hindi kasi ito pumik-up sa mga sinehan. Ang pelikulang ito ay kolaborasyon ng GMA Films at Regal Films.

Sa Hollywood pag sinabing collaboration, malaking proyekto ito. Ginastusan. Pero dito sa atin, kaloka-lokahang palabas lang ito. Puwede ngang sabihing basura.

Ang rason kung bakit hindi masyadong kumita ang movie na ‘to, iyon ay dahil masyadong atrasado raw ang pagpapalabas nito. Dapat nung kasagsagan at kasikatan daw ng flip top-inspired battle of words using cheesy pick-up lines ek-ek nila ito ni-release. Sinabayan sana nila ang paggamit ng mga pick-up lines ni Sen. Miriam Santiago. Kung kailan umay na ang tao at ‘di na ito gaanong uso ay saka ilalabas.

Hindi rin nakatulong ang presensya ni Solenn Heussaff at Dennis Trillo. Wala na kasing ningning itong huli samantalang hindi pa man sumisikat ang una ay laos na agad. Huwag siyang masyadong magpapayat dahil super tulis na ang kanyang baba at ang kanyang mga binti lalo na ang legs ay parang alimasag, kaliliit.

***

Mapagkunwari si Bob Arum

NAGKUKUNWARI at naggagalit-galitan lang itong si Bob Arum sa nangyaring dayaan sa resulta nang laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley. Puwede bang mangyari ang lahat nang wala siyang kinalaman, eh, sya itong promoter ng show. Kilalang masiba sa kwarta si Arum. Ang rematch na magaganap sa November ay milyong dolyar na naman ang kikitain n’ya.

Kahit humingi pa s’ya ng investigation sa kinauukulan, alam naman niyang walang mangyayari rito. Nagtaray pa nga ang dalawang judges na komontra kay Pacquiao at nilait pa siya ng mga ito.

Anyway, napansin nyo ba mga kapatid na mula sa simula ay over confident itong si Bradley sa kanyang sarili at pingangalandakan na siya raw ang mananalo. Nagpagawa pa ang hinayupak ng isang malaking ticket na may nakasulat na rematch on November. Bakit ganon na lang kasiguro ang lintek? Aba’y siyempre napangakuan na sya ni lolo Bob at ang mafia sa Las Vegas. Kumbaga, kinondisyon nila ang utak ng publiko para hindi na magulat ang lahat sa pagkakapanalo ng negrong ito.

Sorry na lang dahil masyadong halata ang krimen na ginawa nila. Mabuti sana kung dikit ang laban. Kagaya nang nangyari sa sagupaan nina Pacman at Juan Manuel Marquez. Eh, si Timothy sobra lang sa kendeng, kulang naman sa mga patama.

Kahit ano pang pakiusap ang gawing ng ating pambansang Kamao na tanggapin na lamang ang nangyari, hindi niya maiaalis sa kanyang mga kababayan ang magrebelde. Sawang-sawa na tayo sa dayaan. Mismong mga lider natin dinadaya tayo. Pati ba naman ang mga Amerikano ay gagawin din sa atin ito gayong malinaw naman sa sikat nang araw na si Manny ang lamang na lamang sa puntos?

***

Palabas na bukas ang ‘Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme’

PALABAS na bukas (June 13) ang “Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme” na pinagbibidahan ni Eugene Domingo kasama sina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes. Sigurado tayo na kikita ang pelikulang ito kagaya nang mga naunang sequel nito dahil bukod sa mga magagaling na bida, ginastusan talaga ito. In fact, ang location shooting ay ginawa sa South Korea. Magaling na direktor din ang nag-direk nito, si Joyce Bernal under Piolo Pascual‘s Spring Films and released by Star Cinema.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply