Mabaho at maitim na tubig sa kanal ng Magnolia

BIGYAN natin ng daan ang isang liham na ini-email  ng mga kasamahan natin na miyembro ng Mass Media at Bantay Bayan sa Brgy. Garit Norte, Echague, Isabela.

Sa nilalaman ng liham na ito ay may kinalaman  tungkol sa reklamo ng 5 barangay sa nasabing bayan sa  umano’y  mabaho,  marumi at maitim na tubig sa kanal na nagmumula sa pabrika ng Magnolia Dressing Plant.

Ang pinagtatakhan lang  ng mediamen nung time na iimbestigahan na nila ang pabrika ay hindi sila pinahintulutan na makapasok at makaharap ang mga namamahala sa kompanya sa kabila ng pakiusap ng mga ito na makausap nila nang perso-nal ang kahit sino man sa management ng nasabing pabrika.

Halos ilang beses na  pabalik-balik ang mga kapatid natin sa media sa nasabing pabrika pero palagi na lang sinasabi ng sekyu ng pabrika na wala raw ang presidente ng kompanya pero ayaw na-man sabihin kung nasaan ito.

Hanggang minsan ay na-tiyempuhan nila na naroroon ang presidente ng Magnolia Dressing Plant na si Mr. Cayanga sa tanggapan nito.

Ang masakit nito ay hindi man lang daw pinapasok at kinausap man lang sa celfone ng tarantadong Mr. Cayanga ang mediamen na mag-iimbestiga sana tungkol sa idinudulot na mabaho, marumi at maitim na tubig na dumadaloy sa kanal na nagmumula sa kanilang pabrika.

Kaya ang iniisip tuloy ng mga kapatid nating media-men sa Isabela na may itinatago at inililihim ang kompanyang ito.

Paging Department of Environment and Natural Resources Sec. Ramon Paje. Ang ahensya n’yo ang nakasasakop sa problema ng mga taga-Brgy. Garit Norte.

Baka naman puwedeng aksyunan lang ninyo para naman hindi mapulaan ng publiko na “inutil” ang ahensya ninyo.

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 09189-274764,09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply