Mabang ipinaaaresto na ng korte

MAKARAANG isnabin ang mga pagdinig bilang testigo sa kasong electoral sabotage kontra kay dating Pangulong Glorai Macapagal-Arroyo, ipinaaaresto na ng Pasay City Regional Trial Court ang dating testigo ng Comelec na si Rusam Mabang.

Ayon sa pahayag ni Atty. Felda Domingo, kailangang managot si Mabang dahil nabigo itong makipagtulungan at biglaang pagtatago noong Mayo 31, 2012, kung kailan nakatakda sana siyang magbigay ng testimonya bilang sa kasong electoral sabotage ni Ginang Arroyo.

Magugunita na ipinahayag sa korte ni Comelec lawyer Juana Valeza ang pagkawala ni Mabang isang araw bago ang pagsalang nito sa witness stand, ngunit matapos ang isang linggo ay natagpuan ito subalit ayaw nang tumestigo.

Si Mabang ay kasalukuyang nakauwi na sa Maguindanao at wala na umanong komunikasyon sa tanggapan ng Comelec.

Sinabi naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na hindi na nila gagawing testigo si Mabang na nagtago sa mga kaanak nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply