Mabang isasailalim sa WPP

PINAPLANO na ni Justice Secretary Leila de Lima na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang mga testigo laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay De Lima, sa mga susunod na araw ay makikipagpulong siya kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes para talakayin ang isyu ng pagkawala ng testigong si election officer Russam Mabang sa kasong electoral sabotage ni Gng. Arroyo.

Ayon kay De Lima, tatalakayin nila ni Brillantes ang mga isyung pangseguridad ng mga testigo para sa mga kasong may kinalaman sa eleksyon.

Aniya, nais niyang maisailalim sa WPP ang mga testigo upang maiwasan ang pagkawala ng Comelec witnesses na posible umanong makaapekto sa mga kasong nakabinbin sa hukuman.

Una nang iginiit ng pamunuan ng Department of Justice na hindi sakop ng WPP ang nawawalang testigo sa naturang kaso laban kay dating Pangulong Arroyo.

Ayon kay WPP Director Atty. Martin Miñes, wala sa kanilang pangangalaga si dating Tandag Election Officer Russam Mabang at tanging sina Election Supervisors Atty. Yogie Martirizar at Lilian Radam ang nasa ilalim ng programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply