Mag-ama natulog sa tricycle kinatay ng adik

CAVITE- Sa kagustuhang maprotektahan ang bagong stereo na ikinabit nila sa ipinapasadang tricycle, nagpasya ang mag-ama na matulog sa nasabing sasakyan na siya palang magiging daan ng maaga nilang kamatayan matapos silang pagtripang pagsasaksakin ng adik na kapitbahay sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City kagabi (Hunyo 12).

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Gasmen Cruz Sr., hepe ng pulisya sa nabanggit na siyudad ang mag-amang biktima na sina Rolly Almeria, 34, driver at Reymart Almeria, 11-anyos, estudyante, residente ng excess lot sa Phase 4 ng nasabing lugar.

Arestado naman ang suspek na si Marvin Gulo, 26, isa ring driver, sa follow-up operation ng mga tauhan ni Supt. Cruz kasama ang mga opisyal ng barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Reynald Afable, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa tapat ng bahay ng mag-ama kung saan nakaparada ang kanilang tricycle.

Nang matiyak umano ng suspek na mahimbing na natutulog ang mag-ama ay nilapitan niya ang mga ito saka inundayan ng mga saksak. Kapwa naliligo na sa dugo ang mag-ama nang lubayan ng suspek saka nito tinungkab ang stereo sa tricycle.

Hindi inaasahan ng suspek na sisilip ang misis ni Rolly kaya nagulat ito nang marinig na nagsisigaw ang ginang. Sa takot ay nagtatakbo na lamang ang suspek at iniwan na ang stereo.

Sa tulong na rin ng pamilya ng suspek ay natunton ito ng mga awtoridad sa bahay ng isang kamag-anak sa Molino Homes, Dasmariñas City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply