Mag-asawa kulong sa pagkadena sa anak

KULONG ang mag-asawa matapos ikadena ang neneng na anak sa Caloocan City kaphapon ng umaga (Hunyo 27).

Nakilala ang mag-asawa na sina Reynaldo Delbo, 42 at Maritess, 40 kapwa residente ng D. Aquino St., ng naturang lungsod.

Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga nang puntahan ng mga pulis kasama ang empleyada ng Caloocan City Social Welfare and Development ang bahay ng mag-asawa matapos makatanggap ng impormasyon na ikinadena ang 12-anyos na biktimang  hindi pinangalanan.

Sa utos ng mga pulis, pinakawalan ni Reynaldo ang anak.

Binitbit naman sa presinto ang mag-asawa at inaalam kung bakit nila iginapos ang anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply