Mag-asawa pinaslang; rice mill sinunog

BLANGKO pa rin ang pulisya kung ano ang motibo at sino ang responsable sa pamamaslang sa mag-asawa na residente ng Sitio Catuan, Barangay Natubo, Jasaan, Misamis Oriental.

Nabatid na tatlong hindi nakilalang mga lalaki ang bumaril sa mag-asawang sina Jaime Sabunod at Erlinda Sabunod, mga senior citizen na.

Binoga ng mga suspek ang dalawa gamit ang .45 caliber na baril habang kumakain sa loob ng kanilang tahanan.

Matapos ang pamamaril, sinunog pa ng mga suspek ang rice mill ng mga biktima saka tumakas ang mga suspek.

Hinihinalang personal na galit ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa.

Sinasabing mayroon ding napatay ang biktimang si Jaime noong 2000 dahil sa agawan sa lupa.

Inilunsad na ang pursuit operation laban sa mga tumakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply