Mag-asawang tulak timbog sa Taguig

ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang mag-asawa tulak ng iligal na droga sa Taguig City kahapon (Hunyo 13).

Kinilala ang mga nadakip na sina Rowell Barcena, 36-anyos, at kinakasama nitong si Anne Torrevillas, alyas Eunice, 24-ayons, kapwa residente ng Atis Street, Zone 1, North Signal Village, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, unang pumasok sa isang transaksyon ang isang “undercover agent” ng PDEA kina Barcena at Torrevillas kung saan bumili ito ng shabu sa loob ng kanilang bahay. Matapos magkaabutan ng bayad, sumulpot na at dinakma ng mga tauhan ng PDEA ang mag-asawa at nakumpiska ang dalawang pakete na ng hinihinalang shabu.

Ayon sa PDEA, malawak na ang “network” ng mga kostumer ni Torrevillas sa kanilang lugar. Kumukuha naman sila ng suplay sa kanilang koneksyon sa Maharlika Village sa naturang lungsod.

Sina Barcena at Torrevillas ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply