Mag-iina natabunan ng buhangin, patay

PATAY ang mag-iina makaraang matabunan ang tinutuluyang barong-barong ng tone-toneladang buhangin na tumapon mula sa tumagilid na dump truck  sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City kagabi (Hunyo 27).

Kinilala ang mga nasawi na sina Jenelyn Tabajonda, 23 at dalawang anak nito na sina Jaysee, 3 taong gulang at Kristel 2 taong gulang.

Hindi na nagawang maisalba pa ng mga manggagamot ang mag-iina matapos isugod sa National Orthopedic Hospital at United Doctors Medical Center.

Ayon sa ulat ni SPO2 Reynaldo Patiag ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1 naganap ang insidente dakong 11:45 kagabi sa nasabing lugar.

Nabatid na lumambot ang lupa kung saan nakahimpil ang trak dahil sa pag-ulan. Lumubog ang gulong nito at tumagilid hanggang sa bumuhos ang lamang buhangin sa bahay ng mga biktima.

Nagawa namang makaligtas ng caretaker at asawa ni Jenelyn na si JR Badajo.

Agad na sumuko ang driver ng truck na si Jerome Doctolero na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply