Mag-ingat sa group buying sites — NBI

PINAG-IINGAT ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang publiko  sa mga naglipanang group buying sites upang hindi maloko  sa mga inaalok na murang serbisyo, produkto  at bakasyon.

Ang babala  ay kasunod ng pag-uulat ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa dumaraming reklamo na natatangap ng ahensya hinggil sa panloloko ng mga website na nag-aalok ng murang transaksyon.

Partikular na iniimbestigahan sa kasalukuyan ng NBI ang Cleverbuy dahil na rin sa dami ng  reklamo dito.

Nilinaw naman ni Magdinio Congzon Jr., hepe ng NBI Computer Crimes Unit na  walang ahensya ng gobyerno na nakatutok  sa  pagrenda ng mga group buying sites sa internet kaya  mahirap na aniyang mahabol pa ng mga biktima ang kanilang mga naibigay na pera.

Gayunman, sinabi ni Congzon na maaari pa namang magsampa ng kasong estafa o swindling ang mga biktima .

Payo ng opisyal sa mga mamimili, kailangan pag-aralan at siyasatin mabuti ang mga kompanyang nasa likod ng mga group buying site bago makipagtransaksyon at magbigay ng malaking halaga upang sa gayon ay makaiwas sa anumang klase ng panloloko.

Payo pa ng NBI, huwag basta-basta maniniwala at masisilaw sa mga serbisyo at produktong iniaalok sa napakamurang halaga mula sa mga internet buying sites.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply