Mag-ingat sa mga dam

‘DI MAIIWASAN na manggagaling sa mga dam ang isa sa mga ikamamatay natin o kaya’y ikasisira natin ngayong tag-ulan.

Paano? Eh ‘di riyan manggagaling ang mga malalaking baha kung magpapakawala sila ng tubig.

Itong mga dam ay hindi natuyuan nitong tag-araw. Palibhasa nagkaroon tayo ng tag-araw na tag-ulan.

Kaya naman, sa kaunting ulan gaya ng ibinuhos ng bagyong Ambo, may mga napuno agad sa mga ito.

‘Yang Magat Dam nga, eh, nakapagpakawala na ng tubig para mabawasan ang tubig nito.

Kasi kapag napuno yan, baka mag-iba ang gate niyan at diyan magkakaroon ng grabeng pagbaha.

Ang ibang mga dam naman ay maaaring magbawas din kung tuloy-tuloy na ang mga pag-ulan.

oOo

Dahil sa kalagayan ng mga dam, ano-ano na ba ang ginagawa ng mga may hawak sa mga ito para hindi pagmulan ng malawak na kamatayan at kasiraan?

Mayroon na ba silang mga babala na ipinahahayag sa mga mamamayan?

Mayroon na ba silang mahigpit na pakikipag-ugnayan kina kapitan, meyor at gobernador para sa kaukulang mga pag-iingat?

At ang mamamayan, mayroon na ba silang pupwedeng puntahan para iwasan ang pagragasa ng mga tubig kung magpapakawala ang mga dam ng tubig?

Ano-ano na rin ang ginagawa ng pamahalaan bilang trensera o depensa ng mamamayan laban sa tubig na lumilikha rin ng mga landslide?

Paano ang mga paghahanda para sa pagkain, sa sakit at sa mga proyektong pabahay o pag-repair kaya sa mga ito sakaling may darating na mga sakuna mula sa tubig ng mga dam?

oOo

Lahat tayo, Suki, ay dapat nang maghanda.

Isipin natin na magkakaroon ng mga baha mula sa dam dahil sa mga bagyo at siyam-siyam na ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply