Mag-utol patay sa sunog sa Abra

NATUSTA ng buhay ang magkapatid nang lamunin ng apoy ang bahay ng kanilang lola sa Abra kaninang madaling araw (Hunyo 30), ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dead on the spot sina Yolanda Belena, 14; at Rose Jay Belena,9 anyos,sanhi ng pagkasunog ng katawan ng magkapatid.

Sa report, sinabi ng NDRRMC na ang sunog ay nagsimula dakong 2 a.m. sa bahay na pag-aari ng lola ng mga biktima na si Amelia Belena, 74-anyos, ng Lingtan village sa Bangued town.

Hindi pa malaman ang dahilan na sunog pero sinisilip na maaring faulty electrical wiring ang sanhi ng pagliyab ng naturang bahay,

Nagkasa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Bangued town fire station at Office of Civil Defense in Cordillera hinggil sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply