Magagalit si Jose Rizal

MAGAGALIT malamang ang bayaning si Jose Rizal, kung siya ay nabubuhay pa, sa nangyayari sa ipinangalan sa kanyang Rizal St. sa Brgy. Barretto, Olongapo City.

Ito Ang Totoo: sa Rizal St., walang bale kung naka-kot-se, tricycle, motorbike, bisik-leta o naglalakad pa, lahat apektado at problemado sa panganib at sikip ng daloy ng trapiko at pagbaha sa konting ulan lang.

Pangunahing lansangan ang Rizal St. sa Brgy. Bar-retto kung saan narito ang headquarters ng Olongapo Police, ang may isang libong detenidong Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) detention center, mga paaralan, samu’t saring ne-gosyo at mga kabahayan.

Nasa magkabilang-gilid ng Rizal St. din ang mahabang talipapa na malaking dahilan ng pagsisikip ng daloy ng tra-piko na kahit iligal ang pagka-kapwesto, hindi magalaw ng city hall ng Olongapo sa takot na mabawasan ng boto kahit pa may mga nadidisgrasya na rito.

Milyon-milyong piso ang ginugol ni Mayor Bong Gor-don noong congressman pa siya sa palengkeng itinayo sa Purok 2 ng naturang baran-gay upang mapaglipatan ng mga nagtitinda sa talipapa.

Patapos na ang termino ni Gordon bilang Mayor, ibig sabihin, may halos sampung taon na, hindi pa rin naililipat ang mga nasa talipapa sa Rizal St. sa palengke sa Purok 2 na ginastusan na naman para i-repair, pero ganoon pa rin, walang silbi at bakante.

White Elephant ang tawag sa mga proyektong walang silbi. Ilan ba ang ganito ni Ma-yor Gordon?

Kung tutuusin, maganda ang layunin ng pagtatayo ng totohanang palengke sa Pu-rok 2 dahil maiiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko, disgrasya at paglabag sa ba-tas ng mga iligal na nagtitinda sa talipapa sa Rizal St.

Ito ang problema: Ang pa-mumulitika at kawalang pag-papahalaga sa pera ng ta-umbayan na ginagastos sa mga proyektong hindi naman pinakikinabangan.

Ito Ang Totoo: Political will ang kailangan para magpatu-pad ng tama para sa kapaka-nan ng taumbayan. Ito ang hindi natin makita ngayon kay Mayor Bong Gordon.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Face-book http://www.face-book.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply