Magandang bukas ng mga Pinoy, hamon ng nakamit na kalayaan– Binay

NANINIWALA si Vice President Jejomar Binay na hindi ganap ang kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas kung hindi mabibigyan ng magandang kinabukasan ang bawat mamamayang Pilipino.

Sa kanyang mensahe sa ginanap na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa makasaysayang Luneta Park bilang paggunita sa ika-114 taon ng kalayaan ng bansa, sinabi ni Binay na ipinapaalala sa sambayanan na ang natamong kalayaan at kasarinlan ay pinagsamang tagumpay at pananagutan sa taumbayan.

“Hindi rin ganap ang kalayaan at kasarinlan kung marami pa ring Pilipino ang umaasam ng magandang buhay, pahayag pa ni Binay.

Aniya, alam nila ni Pangulong Benigno Aquino III kung gaano kataas ang hamon na mabigyan ng magandang kinabukasan ang sambayanan subalit dahil sa iisang layunin, ay umaasa ito na maibibigay sa mamamayan ang isang magandang bukas.

Nanawagan din si Binay sa taumbayan na sariwain ang diwa at kadakilaan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay upang mapalaya ang bansa at ang sambayanang Pilipino at makamit ang pagkakatatag ng unang republika sa Asya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply