Magandang panahon asahan ngayong araw– PAGASA

INAASAHAN na maganda ang mararansang panahon sa halos buong bahagi ng bansa sa maghapon ayon sa PAGASA.

Ito ay matapos na tuluyang makalabas sa teritoryo ng bansa ang bagyong Butchoy.

Ayon sa PAGASA, wala nang direktang epekto ang bagyong Talim sa Kanlurang bahagi ng Luzon na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas.

Iniulat ng PAGASA na kahit pumasok sa teritoryo ng bansa ang nasabing bagyo ay malayo ang sentro nito sa kalupaan ng Luzon. Tutumbukin din ng bagyo ang Taiwan patungong Japan.

Ang nasabing bagyo ay magdudulot lamang ng kaunting pag-ulan sa Hilaga at Kanlurang bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang sentro ni Talim sa layong 800 kilometro sa Kanluran ng Hilagang Luzon.

Ito ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 110 kilometro bawat oras.

Inaasahang maaliwalas ang panahon ngayong maghapon lalo na sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa malayo ang bagyo sa kalupaan.

Maaaring makaranas ng pag-ulan sa Hilaga at Kanluran ng Luzon ng may kaulapan dahil sa Hanging Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply