Maging tapat ka Isko!

SIMPLE lang, parekoy, ang  requirement ni Manila Mayor Alfredo Lim para makubra na ang sahod ng “casual employees at consultants” ng tanggapan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Magsumite ng Personal Data Sheet (PDS) at personal na kunin sa Treasurer’s Office ang kanilang sahod.

Pero sa halip na sundin itong simpleng requirement ng batas kaugnay sa “transparency at legitimacy”ng operasyon ng pamahalaan ay inalmahan ito nina Isko!

Kung talagang walang hokus-pokus na nangyayari sa napakaraming pangalan ng casual employees at consultants, bakit ba tila napakahirap para kina Isko na iharap nang personal ang mga taong ito?

Sa totoo lang, parekoy, wala tayong pakialam sa tsismis na sa casino raw nagbababad ngayon itong si Vice Mayor.

Na limpak-limpak na salapi umano ang pinatatalo nito sa kanyang bisyo na sugal.

Pero sana lang ay ipakita ni Isko sa taumbayan na malinis at walang bahid-dungis ang lahat ng perang inilalabas ng kanyang tanggapan.

Para naman hindi magduda ang mga taga-Maynila na baka pera na nila ang ipinatatalo ni Vice Mayor Isko Moreno.

‘Yan, parekoy, ang mahirap kung ang politiko ay magaling umarte . . . Delikado tayo!!!

Iligalistang Mendoza

MATINDI talaga ang pagiging iligalista ni alyas Mendoza  na kasalukuyang namamayagpag na gambling lord sa Novaliches, Quezon City.

Ang pulis na si Jing Ahas ang ginagamit para takutin ang mga “kabo” at kubrador na ipatutumba sila kung hindi magre-remit sa “jueteng” na “code-named Oro” ni alyas Mendoza.

Ang pagiging iligalista ni Mendoza ay lalong pinatindi dahil hindi na binobola ang jueteng nito parekoy kundi kinakapa na lamang kung anong kombinasyon ang walang taya at yun ang palalabasin na kunyari ay tumama!

Si alyas Mendoza ba at ang COP ng Stn. 4 ay iisa?

‘Yan ang ating aalamin!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply