Magkaangkas sa motorsiklo tigok sa truck

NUEVA ECIJA – Kapwa binawian ng buhay ang drayber ng motorsiklo at angkas nito makaraang sumalpok sila sa kasalubong na 6-wheeler truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Calipahan, bayan ng Talavera kagabi.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina Joey dela Cruz y Arsolon, 21 at Oscar Valino, 27, kapwa binata, at mga helper sa isang pamilya sa Barangay Matias District ng nasabing bayan.

Boluntaryong sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Isuzu Forward truck (RCB-668) na si Junnie Tumimbang y Eskarpen, 24, may asawa ng Barangay Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi, binabagtas ng magkaibigan ang nasabing highway sakay ng isang walang plaka na Suzuki motorcycle nang mag-overtake sila sa isang sasakyan.

Hindi umano nila napansin na paparating naman ang truck sa kabilang linya kaya nagsalpukan ang mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply