Magkaibigan nag-agawan sa bebot: 1 dedo

PATAY ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kaibigan nang magtalo at mag-agawan sa isang babae sa lungsod ng Naga.

Ayon sa report, patay na nang idating sa Bicol Medical Center (BMC) ang biktimang si Rexis Rivera, 24-anyos at residente ng nabangit na lungsod

Ayon sa impormasyon, kapwa umanong lasing ang suspek na si Lois Lee at Rivera nang magkaroon nang mainitang pagtatalo.

Una rito, pauwi na ang dalawa kasama ang babaeng si Joan Manalang lulan ng isang motorsiklo ngunit habang nasa daan ay nag-away umano ang dalawa.

Nauwi sa suntukan ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa bumunot ng ice pick si Rivera na naagaw naman ni Lee at itinarak sa biktima.

Nabatid na parehong may-asawa ang dalawa at posible umanong selos dahil sa kasama nilang babae ang pinag-ugatan ng krimen.

Kasalukuyang nakakulong si Lee matapos boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply