Magkakaibang pahayag ng Palasyo at iligal na sugal

UNAHIN muna natin ang magkakaibang pahayag nina Chief PNP Dir. General Nicanor Bartolome at ng mga tauhan nina Region 4-A Director C/Supt. James Andres Melad at QCPD Director, C/Supt. Mario Dela Vega.

Ayon kay PNP Chief Bartolome, bawal ang iligal na sugal at siyempre bawal tumanggap ang sinomang opisyal ng pulis mula rito.

Kaya naman may “one strike policy” para  sinomang hepe na mapatutunayang may iligal na sugal sa kanyang AOR ay tiyak na sisibakin!

Salungat ito, parekoy, sa pahayag nina Rico Posadas, nagpapakilalang “bagman/collector” ni RD Melad ng 4-A, SP01 Marlon Garcia, nagpapakilalang bagman ni Cavite PD Col. John Bulalacao at ng mga operator ng iligal na sugal sa Novaliches at Cubao, Quezon City na sina Joel at Alex.

Ayon sa mga lintek na ito, basta maayos lang ang lingguhang parating kina Gen. Melad, Col. Bulalacao at Gen. Dela Vega ay walang tinag ang kanilang mga iligal na gawain.

Pahihintulutan kaya ito  ni Gen. Bartolome?

Abangan natin!

oOo

SA Palasyo, parekoy, naunang ipinahayag ni DFA Sec. Albert del Rosario na umalis na rin daw mula sa “Panatag Shoal” ang mga barko ng Tsina.

Agad itong pinasinungalingan ni DND Sec. Voltaire Gazmin na sinabing mahigit pang 20 ang mga barko ng Tsina ang naroon sa pinag-aagawang erya ng ‘Pinas at Tsina.

Sino ang tapat at sino naman kaya ang balintuna? Hak, hak, hak!

Heto pa ang isa, parekoy.

Ayon sa “satsat boys” ni PNoy, hindi umano bihag ng Abu Sayyaf group ang Jordanian journalist na si Baker Atyani.

Pero sa bandang huli ay inamin ni DILG Sec. Jesse Robredo na bihag nga ito ng teroristang grupo.

Ipagpalagay na, parekoy, na may “tuwid na daan” nga tayo, eh, kung liko-liko naman ang kanilang dila?

Ano ba ‘yan? Ayusin naman ninyo, sayang ang ipinasasahod sa inyo! Pwe!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply