Magnobyo huli sa pagtatalik sa ilalim ng truck sa Gensan

HULI sa aktong nagtatalik ang magkasintahan sa ilalim ng isang nakaparadang truck sa likod ng General Santos City Hall kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa report ng Gensan PNP, ipinasa sa kanila ang kaso ng magnobyo na nahuling  nagtatalik sa ilalim na bahagi ng nakaparadang Izusu Elf truck na pagmamay-ari ng lokal na gobyerno na nakaparada sa likurang
bahagi ng city hall sa General Santos City.

ASa impormasyong ibinahagi s apulisya ni  Jose Oclarit, on-duty na miyembro ng Civil Service Unit (CSU), kanyang hinuli ang naturang magkasintahan na sa una ay nag-uusap lang ngunit sa pagbalik nito ay
nakapatong na ang lalake at umiindayog sa ibabaw ng  babae.

Dagdag pa ni Oclarit, naglatag pa ng banig sa ibaba ng truck ang dalawa at doon nagtalik.

Nabatid na 21-anyos na ang lalakina kinilalang si Ramon habang 18-anyos ang babae na itinago s apangalang Amor at  kapwa taga-Sarangani Province.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin ng dalawa na nakainom sila at walang pera para mag-check-in pa sa lodge kaya nagpasyang magkubli na lamang sa gilid ng truck at duon ay kapawa magparaos ng init.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mag-nobyo na nagtipid lamang dahil wala ng pambayad ng motel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply