Magsasaka mula sa Quezon naglunsad ng protesta sa DND

SA pangunguna ng Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights)-Southern Tagalog at Save Bondoc Peninsula Movement, 300 magsasaka mula sa Quezon at iba pang bahagi ng Southern Tagalog ang naglunsad ng kilos protesta sa harap ng Department of National Defense ngayon, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan upang ipanawagang itigil ang laganap na militarisasyon sa kanayunan.

Sa kasalukuyan, mayroong 8 batalyon ng sundalo sa Bondoc Peninsula at Timog Quezon, Isa sa mga yunit ng AFP ay nasa ilalim ng pamumuno ni Col. Eduardo Año ng 201st Brigade ng AFP. Si Col. Año ay suspek sa pagdukot sa aktibistang si Jonas Burgos noong 2007.

Ayon kay Orly Marcellana, tagapagsalita ng Save Bondoc Peninsula Movement, wala umanong ipagdiriwang na araw ng kalayaan ang mga magsasaka ng Quezon dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao na hatid ng militarisasyon at Oplan Bayanihan ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply