Magsasaka, room boy tiklo sa pagtutulak ng droga

ISANG magsasaka at room boy ng isang lodging house ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa General Santos City at Koronadal City noong June 26, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga  suspek na sina Salindatu Donding, 28 anyos , magsasaka ng Libungan, Northern Kabuntalan, Maguindanao; at Arnold Villan, 28 anyos ng Purok Bayanihan, Barangay Sta. Cruz, Koronadal City. na kabilang umano sa Regional Order of Battle.

Si Donding ay nadakip matapos makipag transaksiyon sa PDEA agent sa kahabaan ng Fast Lane, Bulaong Avenue, Barangay Dadiangas North, General Santos City.

Matapos matanggap ni  Donding ang  marked money kapalit ng shabu  ay dito na siya dinakma ng mga tauhan ni PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12), Director Aileen Lovitos kung saan 3 sachet ng shabu pa ang nakuha sa bulsa nito.

Samantala,sa Koronadal City naman nadakip si Villan matapos naman nitong bentahan ng shabu ang isang agent ng PDEA RO12 sa loob ng lodging facility sa Purok Bayanihan, Barangay Sta. Cruz. Kung saan nakuhanan pa siya ng 3 pang  plastic sachets ng  shabu.

Kapwa ngayon nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), ng Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply