Malakanyang: Dolphy malabong mabigyan ng national artist award

MALABONG mabigyan ng National Artist Award si Rodolfo Quizon Sr. aka Dolphy, kilalang Comedian King ng Pelikulang Pilipino dahil naka-status quo o may ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema sa pagpili ng mabibigyan ng nasabing parangal.

Kaya nga, ipinaubaya na ng Malakanyang sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) o Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang pagdesisyon sa naging apela ng mga kamag-anak at supporters ni Dolphy na bigyan na ito ng National Artist Award habang nabubuhay pa.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na imposibleng mapabilis nila ang proseso ng pagpili ng susunod na bibigyan ng National Artist Award dahil hurisdiksyon na ito ng NCCA at CCP.

“There are already… Dolphy has already been nominated several times, I mean, there are several letters addressed to CCP for his nomination as a national artist. Again, but… I was informed that there is a TRO before the Supreme Court. Remember the case of, in 2009, Carlo Caparas and Cecille Guidote-Alvarez. So there’s a pending case before the Supreme Court. So there’s that case now. So I’m not familiar with how the NCCA and the CCP boards are going to decide on the matter of Mr. Quizon because of the pending TRO or status quo ante before the Supreme Court. And certainly, the President acknowledges, personally believes that he has contributed a lot to the arts,” aniya pa rin.

Sinabi ng Malakanyang na nauna nang binigyan ng Pangulong Aquino ng Grand Collar of the Order of the Golden Heart si Dolphy na malinaw lamang, aniya, na kinikilala ng pamahalaan ang naging kontribusyon nito sa larangan ng pagpapatawa.

Sinabi pa rin ni Lacierda na nakausap niya si Pangulong Aquino kaninang umaga kung saan ay sinabi nito sa kanya na personal niyang pinaniniwalaan na malaki ang naging kontribusyon ni Dolphy sa larangan ng sining.

“And in fact, in his words, he has contributed tremendously to what we call “art for man’s sake,”  ani Lacierda.

Sinabi pa rin niya na may proseso sa pagpili ng national artist.

Sa ngayon, aniya, ay nananatili ang kaso sa Korte Suprema at sa kanyang pagkakaalam ay may status quo at TRO na nakabinbin dito

“We recognize the process and it is a very rigid process. There are several tiers in nominating a national artist. We would like to respect the process. So we will leave it with both the NCCA and the CCP because these are the two joint boards who will nominate the national artist,” anito.

“You know President Noynoy has been given my dad so much respect. He gave my dad the Golden Heart award. He gave that award, the highest recognition a President can give to an individual, he gave that to my father,” ayon kay Eric Quizon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply