Malakanyang: FVR walang kinalaman sa oust Aquino movement

IPINAGTANGGOL ng Malakanyang si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa ulat na posibleng may kinalaman ito sa kampanyang “Oust Penoy Movement”.

“It is unfair to link  former President Fidel V. Ramos to the Oust PNoy Movement just because Mon Pedrosa is a known associate,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Nauna rito, hindi nababahala ang Malakanyang sa di umano’y hakbang ng “Oust PNoy Movement”  na maghain ng impeachment complaint laban kay  Pangulong  Aquino.

Para kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, walang basehan ang planong ito laban sa Punong Ehekutibo.

“Let them file it ,if they believe that there are grounds, which we believe there are none. We will just face it. I think it’s another of those… sham filings,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa ulat, sinabi naman ni OPM spokesman Mon Pedrosa na naghahanda na silang sampahan ng impeachment complaint  ang Pangulong Aquino.

Marami, aniya, silang plano para bitbitin ang kanilang reklamo sa Kongreso.

“Whether it will prosper or not, that’s beside the point. Just start it. They (congressmen) were bought already,” ani Pedrosa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply