M’cañang ipinagmalaki ang ‘Bourne Legacy’

IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang pelikulang Bourne Legacy na pinagbibidahan nina Jeremy Renner at Rachel Weisz bunsod ng ang ilan sa makapanindig-balahibong eksena rito ay kuha sa Metro Manila (MM).

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, exciting ang nasabing pelikula dahil sa trailer pa lamang nito ay mapapansin na ang kakaibang dating ng pelikula.

“Napanood ko po ‘yung official trailer at mukhang exciting po ‘yung pelikula. Nakita po natin ‘yung latter half ng trailer parang puro scenes na po in Metro Manila,” ayon kay Usec. Valte.

Hindi naman naniniwala ang Malakanyang na kailangan pang gawan ng ad ang pelikula para tumbukin ang hangarin ng bansa na maging isang film location destination ang Pilipinas.

“Ah, ano po ito, kahit hindi po siya gawing ad it will certainly speak volume for ‘yung…para maging film location po tayo. So that’s really…there is an ad itself, so to speak, so magko-complement din po ‘yan siguro doon sa mga ating efforts on tourism and ‘yung campaign po natin,” ani Valte.

Ilan lamang, aniya, sa highlights ng pelikula ay yung pagsalpok ng sasakyan at kapansin-pansin ang mga jeepney at pedicab na Pinoy na Pinoy ang dating.

“And I think the cast and the crew spoke highly of our people dahil matagal din po silang nandito at talagang, from what I understand, they had a lot of good things to say even about the Filipino actors that worked with them—‘yung degree of professionalism daw po and the warmth of the people dahil medyo matagal din po silang nanatili dito sa Manila. So magandang ano po ‘yan, maganda po ‘yung maidudulot niyan doon sa atin. So doon sa mga na-traffic po nang kaunti, nakikita na po natin dahil po doon sa shooting, dahil nag-ano po yata sila, nag-cordon off po sila ng certain areas for the shooting. Doon po sa mga na-traffic noong mga panahon na ‘yon, nakikita niyo na po ‘yung bunga ‘nung naging kaunting paghihintay niyo doon sa trailer,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply