Malakanyang kay Salceda: Busalan ang bibig

PINASARINGAN ng Malakanyang si Albay Governor Joey Salceda na “busalan” muna ang bibig kaugnay sa bagong mining executive order (EO) na hanggang ngayon ay hindi pa naman lumalabas.

“ What is certain is that local laws cannot supplant national laws—that’s clear. But let me clear lang, let me clarified that… Ang problema kasi hindi pa kasi nila nakikita… Sana hindi na muna magsalita ang mga tao hangga’t hindi pa lumalabas ‘yung EO. Kasi naman we’re spitballing here until we see the provisions of the EO.  It’s just all talk,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Para sa Malakanyang, premature ang naging pahayag ng gobernador na ang bagong EO ay sisira sa mga karatig-lalawigan na malinaw na pino-protektahan ng munisipalidad.

“ I think the statement of Governor Salceda is premature. The EO on mining has not yet been released. So let’s wait and let them review the EO or let them see the EO, the provisions of the EO. And we’ll take it from there,” ani Sec. Lacierda.

Nauna rito, tinanggap naman ni Pangulong Benigno Aquino III ang hamon ni Salceda na bitbitin sa Korte Suprema ang usaping ito.

Para sa Punong Ehekutibo, malinaw ang isinasaad ng Saligang Batas na ang national laws ay mas nangingibabaw sa local legislation.

Tinukoy nito na may limitasyon ang Saligang Batas ukol sa law-making powers  ng local na pamahalaan at sa sakop ng kanilang ordinansa.

“There is also a clause that [local laws] should [be consistent] with national laws.We are not a federated government. We are like a republican unitary government,” ani Lacierda.

Tila ipinamukha naman ng Pangulo kay Salceda na hindi pa nito nalalagdaan ang EO kaya’t OA na mag-react ito agad.

“But if [the governors] feel their rights have been trampled upon, by all means they can go to appropriate courts,” diing pahayag ni Pangulong Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply