Malakanyang: Korte magdedesisyon kung pagbibigyan ang hirit ni GMA

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Pasay City Regional Trial Court at Commission on Elections (Comelec) ang pagdedesisyon kung papayagan ng mga ito si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa hirit nitong makapag-golf at makagamit ng cellphones at laptop habang naka-ditine sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kasong electoral sabotage.

“Well, lahat naman po ng nade-detain, for one reason or the other, we are all deprived of our liberties. That will be up to the… Si, ano po ito, si Judge Mupas po ito sa Pasay if… First, it will be up to the Comelec to oppose kung magfa-file po sila ng motion to low her to have access to electronic gadgets and to also, I think, go out and play golf? Kasama po ba ‘yon?  Bahala na po ‘yung Comelec kung ano po ‘yung magiging position po nila. Bahala na rin po ‘yung huwes kung paano po ‘yung magiging desisyon nila diyan,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sinabi pa rin ni Valte na tanggap naman nila at naiintindihan ang ganitong mga hirit ng kampo ni Mrs. Arroyo lalo pa’t limitado ang kalayaan ng gaya nitong nakakulong.

“Ano po e, lahat naman… Hindi ho, hindi naman po naiirita. Ano po ‘yan, lahat… From our side, tanggap naman po kasi natin that, you know, anybody in detention will have a restriction of liberties,” ayon kay Usec. Valte.

Sa kabilang dako, karapatan ni Mrs. Arroyo na mag-piyansa sa kasong kinasangkutan nito para matamo ang pansamantalang kalayaan subalit ang payagan na makagamit ito ng cellphones at laptop at makapag-golf ay ibang usapin na.

“Well, ‘yung bail po that is the right to ask for it in certain cases. I repeat, in certain cases. It is part of her right to ask for it. Pero ‘yung doon po sa mga gadget and the occasional playing sa golf court, that’s not something that ordinary detention prisoners are accorded,” ani Valte.

Aminado naman ang kampo ni Mrs. Arroyo na naiinggit ang dating lider sa mga kaibigan n’yang naggo-golf.

“I know she wants to play golf. Alam ko naiinggit siya,” ayon kay Atty. Raul Lambino, abogado ni Mrs. Arroyo sabay sabing “The last time was last month, I was in Hole Number 5. I saw her walking with her police guards to get sun and she was looking at me.”

Dala na rin aniya ng matinding pagkainip sa loob ng VMMC ay pinagkakaabalahan na lamang ng dating lider ang magsulat gamit ang typewriter o kaya naman ay sulat-kamay.

Sa katunayan ay nasa kalahati na aniya si dating Pangulong Arroyo sa sinusulat nitong libro na tumatalakay sa kanyang naging buhay sa Malakanyang sa loob ng 9 na taon.

“She also constantly monitors everything that’s happening in the House of Representatives like filing bills and resolutions,” ayon kay Atty. Lambino.

Samantala, kailangan namang ipagpatuloy ni Mrs. Arroyo ang pagpapagamot nito bunsod na rin ng serye ng surgery sa kanya noong nakaraang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply