Malakanyang nakiisa sa pag-alay ng panalangin kay Dolphy

NAKIISA na rin ang Malakanyang sa pagbibigay panalangin kay Rodolfo Quizon Sr., aka Dolphy, kilalang Comedian King ng pelikulang Pilipino na hanggang sa ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa Makati Medical Center.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, malaking kontribusyon ang naibigay ng comedy king sa industriya ng Philippine entertainment.

“We are united in our intentions for our revered icon of the Philippine entertainment industry,” ani Lacierda.
Sa ngayon ay “critical but stable” ang kondisyon ng hari ng komedya.

“The president’s thoughts are with mister Quizon and his loved ones in these trying times,’ ani Lacierda.

Sa kabilang dako, aminado naman ang pamilya ni Dolphy na inihanda na nila ang kani-kanilang mga sarili sa lahat ng posibleng mangyari sa kalagayan ngayon ng comedy king.

Sinabi ng anak nitong si Eric Quizon na nananatiling kritikal ang kondisyon ng kanilang ama.
Kaya nga ang pakiusap nito sa publiko ay huwag mapagod sa pag-aalay ng panalangin para madugtungan pa ang buhay ng hari ng komedya.

“Please continue your prayers for Dolphy. He’s very critical. Anything can happen,” ayon sa aktor.

Nagpasalamat din ang pamilya Quizon sa lahat ng mga dati ng nagdarasal kung kaya’t nalampasan ni Mang Dolphy ang 10 pag-atake ng pneumonia nito sa loob ng isang taon.

Napag-alaman na magdamag nagbantay ang buong pamilya ni Dolphy sa Makati Medical Center kung saan salitan ang magkakapatid sa pagtsi-check sa kalagayan ng ama.

Tinuran nito na hangad ng kanilang pamilya na nauunawaan ng taongbayan kung bakit hindi lahat ng miyembro ng kanilang pamilya ay makakapabigay ng update hinggil sa “very critical” condition ng comedian actor.

Aniya, emosyunal pa rin sila sa tuwing kinakausap ang ama na tumutugon naman daw sa pamamagitan ng kilay at pagpisil sa kanilang kamay.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply