Malakanyang: No ransom policy mananatili

NANANATILI ang posisyon ng Malakanyang sa no ransom policy matapos humirit ng P50 million ang Abu Sayyaf Group (ASG) na may hawak ngayon sa dinukot na Jordanian journalist at Filipino TV crew sa Sulu.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda bagama’t wala pa silang kumpirmasyon sa bagay na ito ay masasabi niyang sigurado ang pamahalaan na boluntaryong nagpunta sa kuta ng ASG si Jordanian national at Al Arabiya news network Southeast Asia bureau chief Baker Atyani para kapanayamin ang mga ito.

“It is also confirmed that he has in another occasion had the opportunity to interview Abu Sayyaf head previously,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa ngayon ay naghihintay pa rin ng karagdagang report ang Malakanyang mula kay Sulu Governor Sakur Tan hinggil sa kalagayan ngayon ni Atyani.

Sa katunayan ay lumikha aniya ng crisis committee  si Gov. Sakur Tan para sa usaping ito.

Inamion ni Sec. Lacierda na hindi sila  sinabihan ni Atyani na kakapanayamin nito ang ASG.

“When the Jordanian journalist came over, there was an understanding of interviewing Governor Sakur Tan. We’re not informed—I think if I…let me check, verify this—but what we were made aware of he was going to interview Governor Sakur Tan. We are not sure if we were…there was an intention—We were informed that he is going to interview the Abu Sayyaf Group considering that we were providing him security, he refused. We offered him to stay…the Mayor offered him to stay in his house, he refused; and at 5 a.m. in the morning without informing us, without informing government, he went voluntarily to… [He] rode a vehicle voluntarily at 5 a.m., he did not inform us about that as well,” anito.

Kung nakinig lamang, aniya, sa kanila si Atyani ay masasabihan nila ito kaugnay sa panganib na kanyang susuungin bilang isang mamamahayag kapag hindi nito tinanggap ang security na bigay ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply