Malakanyang sa PAGASA: Oras-oras na mag-update

PINAALALAHANAN ngayon ng Malakanyang ang PAGASA na ipagpatuloy ang kada oras na pagbibigay ng update tuwing may bagyong pumapasok sa bansa.

Ito ang sinabi ng Palasyon matapos na mapunan na hindi oras-oras ang weather update ng PAGASA at bumalik sa kada limang oras na paglalabas ng update.

Ayon ka Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nananatili ang kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III na dapat regular ang update ng PAGASA at huwag maging ningas cogon sa trabaho.

Napansin din na tila “copy and paste” lang ang ginagawa ng PAGASA sa ilang update nila na ipinoposte sa website at oras lamang ang nababago.

Kung mapapansin tuwing alas-5:00 ng umaga, alas-11:00 ng tanghali, alas-5:00 ng hapon at alas-11:00 ng gabi naglalabas ng typhoon update ang PAGASA.

Dati nang sinabi ng PAGASA na magbibigay sila ng hourly update tuwing may bagyo batay sa direktiba ng Malakanyang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply