Malakanyang umaasang matutuldukan ang Panatag Shoal standoff

UMAASA ang Malakanyang na matutuldukan na ang standoff sa pagitan ng Pilipinas at China makaraang sabay na  umalis ang dalawang barko ng China at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) maritime vessel sa  Bajo de Masinloc sa Panatag Shoal.

“Yes this is an easing of tensions and we appreciate the gesture of both parties to deescalate tension in Panatag Shoal,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

At sa tanong kung naniniwala siyang ito’y malinaw na non-deployment ng karagdagang barko mula sa magkabilang panig ay sinabi ni Sec. Lacierda na, “as far as we know, there is a fishing ban on both sides. There is a fishing ban on the Chinese side and there is an environmental protection ban on the part of the BFAR to maintain the ecosystem in the Panatag Shoal.”

Binigyang diin ni Lacierda na patuloy na itinutulak ng administrasyong Aquino ang mapayapang resolusyon sa standoff sa Panatag Shoal.

Hinggil naman sa pagbabalik ng normal na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China ay sinabi ni Sec. Lacierda na, “the fact that we are able to ease tension, the fact that the Chinese has decided to withdraw their maritime vessels is a step in the right direction. Our call has been to deescalate tension in the Panatag Shoal and we view this as a positive development.”

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Sec. Lacierda na hindi aatras ang magkabilang panig sa paglikha ng peaceful resolution sa usaping ito. Umaasa ang administrasyong Aquino na magiging matagumpay ang dayalogo sa pagitan ng DFA at counter-part nito sa China.

Sinabi ng DFA na bagama’t ang mga sasakyang pandagat ng magkabilang panig ay umalis na ng lagoon, ay nananatili naman kapwa ang mga ito sa bisinidad ng pinagtatalunang lugar.

Batay sa kamakailan lamang na isinagawang monitoring ng DFA, mayroong 8 Chinese government vessels at dalawang maritime ships mula sa Pilipinas ang nakaposisyon malapit sa Bajo de Masinloc.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang konsultasyon sa pagitan ng DFA at Chinese Embassy upang plantsahin ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa hinggil sa isyu ng pagmamay-ari ng Panatag Shoal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply