Malakanyang: Yakapin ang inyong mga ama

PINANGUNAHAN ng Malakanyang ang pagbati sa lahat ng ama na haligi ng tahanan ng isang Happy Father’s Day.

Para sa mga Itay, Ama, Papa at Daddy ay ipinaabot ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ang pagbati na ito.

“Sila ‘yung haligi. Ang ating mga ina, ang ating mga ilaw ng tahanan. So Happy Father’s Day po doon sa ating—sa mga haligi ng ating mga tahanan,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi pa ni Valte na habang nabubuhay pa ang ama, itay, Daddy at Papa ng isa pamilya ay mabuting ipadama na, aniya, rito ang mainit na pagyakap.

“Kung nandiyan pa ho ang inyong mga ama, inyong mga itay, ang mga daddy, ang mga papa, naku yakapin niyo po. Dahil kami hong mga wala na, sumakabilang buhay na ho ‘yung mga aming ama, nami-miss ho namin ‘yan talaga sa araw-araw. So take advantage of it and hug your father —not just today but every day,” ang payo ni  Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply