Malapit ng maubos ang mga namamahay na smuggler

TUWANG-tuwang pinuri at saka pinasalamatan ni Batangas 4th District Mark Llandro Mendoza si BOC Commissioner Ruffy Biazon sa seryosong kampanya nito para mapatigil ang talamak na smuggling activities sa bakuran ng Aduana.

Isa sa mga pinagpapasalamatan ni Mendoza ay ang pagkakasabat ng mga bata ni Biazon sa tangkang pagpupuslit ng agricultural products gaya ng bigas, sibuyas, imported meat at kung ano-ano pa sa pantalan.

Kabilang sa mga nasabat ng operatiba ng BOC noong nakaraang linggo itong walong container ng mga smuggled rice at sibuyas sa  nasabing pantalan.

Si Rep. Mendoza kasi ang pinuno ng contingent ng Nationalist People’s Coalition sa House of Representatives at the same time siya rin ang chairman ng Committee on Agriculture.

Ipinagmalaki rin ni Rep. Mendoza ang seryosong kampanya ni Biazon sa pagwawalis ng mga namamahay na mga smuggler sa Aduana.

Ang ginagawang ito ni Biazon ang siyang tugon sa panawagan ng local agriculture producers para matigil ang walang katapusang pang-iismagel ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa dahil isa ito sa nagpapabagsak sa kanilang industriya.

Bukod kay Rep. Mendoza, naunang pinuri ni Consumer Advocate Raul Concepcion si Biazon sa tuloy-tuloy na programa nitong transparency, accountability at professionalism na siyang nagpapataas sa koleksyon sa buwis ng byuru.

VK sa N.E bata ni Gob ang ninong

Tuloy-tuloy na naman po ang operasyon ng mga video karera sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Walang ginagawang aksyon si Gov. Jun Umali sa lalawigan dahil mga bata nito ang nagpoproteksyon ng mga sugalan rito.

oOo

Anomang reklamo mangyari ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email:  juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply