Malaysians drug courier timbog sa NAIA

NAARESTO ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airpoort (NAIA) ang mag-asawang Malaysian national na nagtangkang magpuslit na apat na kilo ng high grade na shabu sa terminal 2 kagabi June 16 mula sa Hong Kong.

Kinilala ni Airport Customs Police chief Col. Marlon Alameda ang dalawang suspek na sina Chandra Nadarajan at Tamil Selvi Veleo.

Batay sa impormasyon, mula sa Hong Kong, dumating ang dalawa NAIA sakay ng Philippine Airlines flight PR319 kagabi.

Unang nakapuna ng kakaibang galaw ng mga suspek si Customs examiner Carol Buenconsejo nang makitang alumpihit si Nadarajan.

Lalo pang naghinala ang mga matapos magkaroon ng magkakasalungat na pahayag ang mga ito sa pag-identify ng isa’t-isa.

Dahil dito, nagpatulong na si Buenconsejo kay Customs duty collector Atty. Rey Nicolas at dito na natuklasan ang mga nakasiksik na shabu mula sa secret compartment ng bagahe ng dalawa.

Sa pagtaya ng Customs official, aabot ito ng apat na kilo o may katumbas na halagang P48 million (street value).

Ang mag-asawa ay sasampahan ng kaukulang kaso sa Pasay City Prosecutor’s Office.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply