Malinis ang konsensiya ko – Annabelle Rama

“MALINIS ang konsensiya ko.”

Ito ang ibinigay na reaksyon ng dating aktres at talent manager na si Anabelle Rama sa pagpapaaresto sa kanya ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng 14-counts ng kasong libelo na isinampa ng dating aktres na si Nadia Montenegro.

Base sa ipinalabas na mensahe ni Rama sa kanyang official Twitter account, malinis ang kanyang konsensya at hindi siya kailanman nasangkot sa mga iligal na transakyon.

“Malinis ang konsensya ko. Di ako criminal, at di ako pumapatay ng lechonin na baboy masama yun.”

“Di ako involved sa mga illegal transactions.”

Depensa pa ni Rama sa akusasyon ni Nadia, kung may nagawa man anya siyang masama iyon ay ang pagtulong sa pamilya nito para makatikim ng swerte.

“Ang masama lang sa ginawa ko, tumulong sa isang pamilyang naghihirap at gustong makatikim sa swerteng binigay sa akin ng mahal kong Sto. Nino.”

“Sa lahat ng taong walang utang na loob darating din ang matinding karma sa inyo,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat naman si Anabelle sa kanyang pamilya at mga tagasuporta na patuloy na nagdadasal para sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply