Manggugulat daw si Ai-Ai delas Alas!

ISANG malaking misteryo ang pananahimik ng Concert Comedy Queen at Filmfest Box Office Queen na si Ai Ai delas Alas dahil wala siyang seryeng ginagawa at tumanggi rin na magkaroon ng filmfest entry bilang respeto kay Vic Sotto kung hindi rin lang sila ang magkasama.

Ayon sa aming source, isang malaking network ang nag-aabang ng expiration ng kontrata ni Ai Ai sa ABS-CBN 2 ngayong December dahil siya ang next na pipiratahin. May tempting offer si Ai Ai na mahirap ding tanggihan.

Ito kaya ang senyales na bigla na lang tayong bubulagain ni Ai Ai kaya nananahimik siya sa lahat ng aspeto, mapa-TV o pelikula?

-0o0-

MATINDI ang rebelasyon ni Chad Borja sa katotong Manny Camacho na kaya nawala ang magaling na singer dahil nakipag-live-in diumano sa isang rich gay kasabay ng pakikipagrelasyon kay Rachel Lobangco.

Pero nagkaroon ng sakit na kanser si Chad hanggang ma-realize niya na makipaghiwalay sa kanyang gay lover na kilalang-kilala sa Pinas. Mabilis siyang naka-recover sa abroad at naisip niyang baka gabaan siya at bumalik ang sakit niya kaya iniwan daw niya ang kanyang gay lover.

Bukod dito, hindi rin diumano maatim ni Chad na babuyin ang naturang bading dahil may gusto nang ipagawa ito sa kanya na hindi niya diumano kayang gawin.

Ayon pa kay Manny, mahal na mahal daw ng gay si Chad dahil naglumuhod pa raw ito sa kanya ‘wag lang iwan.

Pero gusto ngayon ni Chad ay magbalik sa pagkanta at kumita ng pera galing sa sariling pagsisikap. May babalikan naman siya dahil may iniwan siyang marka sa industriya. Hindi pa rin makalilimutan ang kanyang hit song na ‘Ikaw Lang’ na ire-revive ngayon ni Gerald Santos sa kanyang bagong album.

Isa sa exposure ni Chad ngayong Linggo sa UNTV 37 ay kakanta siya ng isa sa entries para sa A Song Of Praise o ASOP Music Festival. “Na-inspire ako nang malaman ko na may ganitong patimpalak sa TV. Parang gusto ko na ring gawing papuring awit ang ilan sa mga hindi ko naisama sa album ko na awit,” sey ni Chad.

Tatlo pang mga mang-aawit ang makakasama ni Chad sa unang linggo ng elimination round sa Hulyo. Ito’y sina Jerome Abalos para sa awit na Salamat (Oh Pinupuri Kita) ni Fredison Rabuza, Sentimental Prince of OPM Myrus para sa likha ni Meldin Nabia’s Walang Kapantay, at ang OPM’s Prince of Ballad Gerald Santos sa obra ni Michaell Bon na Aking Ama Sa Langit.

Nagbabalik naman muli ang sikat na mang-aawit at kompositor na si Rannie Raymundo bilang panauhing hurado. Makakasama n’ya sa panel ang komedyanang singer na si Marissa Sanchez at ang tinaguriang Kilabot ng mga Kompositor na si Mon del Rosario.

Bago pa man ang imbitasyon ng ASOP, naghahanda na talaga si Chad sa kanyang ilalabas na record album ngayong taon. Pagtatapat pa ng singer na nagpapasalamat sya sa Diyos na binigyan siya ng sakit dahil mas napalapit siya sa Maykapal.

Panoorin nyo ang kabuuang palabas ng unang weekly elimination round ng ASOP sa Linggo alas-7 hanggang alas-8:30 ng gabi sa UNTV kasama sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda bilang host.

-0o0-

BAGAMAT nasa Germany ngayon si DK Valdez ay nag-abot siya ng mensahe sa amin nang mabasa niya sa internet na isa siya sa nominado bilang Best New Male Recording Artist of the Year ng 4th PMPC Star Awards for Music para sa kanyang album na It’s All About Love ng BWB Records.

“Salamat po sa PMPC. Sobrang happy po ako sa natanggap kong nominasyon. Mababaw lang po ang kaligayahan ko. Kahit hindi ako manalo, sapat na po sa akin na mapansin ako sa album ko,” sey niya.

Naging mabenta ang album na ‘yun sa record bars. Ginulat niya ang music industry dahil mas bumenta pa ang album niya sa ibang sikat na singers natin base na rin sa record ng isang  sikat na music store.

Hindi nga lang siya makapag-promote nang husto dahil abala siya sa show sa Germany na ‘Sommer Matinee (Melodien Aus Alleer Welt). Tenor si DK at dalawa ang piyesang kinakanta niya gaya ng When You Tell Me That You Love Me at You’ll Never Walk Alone.

“Katatapos lng po ng two shows ngayong June. Ngayong July iikot kami ng Germany. Frankfurt. Berlin. Koln and other towns. Last week na show pinarangalan nila ko as Best Performer. 25 anniversary sa Ratthausen. ”

“Magsu-shoot din po ako ng mtv ko ng My Love Will See You Through German scenery. Sobrang tanggap ako ng mga German people rito,” kuwento pa niya.”

Mapupuri mo talaga si DK dahil sa malaking concert arena siya mapapanood sa Europe at kasama ang mga sikat  na pangalan sa European circuit.

Dream lang niya talaga na magkaroon ng album sa sarili niyang bayan kaya nasa record bars na ang self-titled album niyang ‘It’s All About Love’ na kung saan ay takaw-pansin ang magandang version niya ng My Love Will See You Through ni Marco Sison. Ang carrier single niya ay Tatanggapin Pa Ba Kita?

Babalik siya sa Pinas ng September para asikasuhin ang promo ng kanyang album pero babalik ulit siya sa Europe ng October hanggang January dahil may mga shows pa siya roon. Sa ngayon kasi, malaki ang kinikita ni DK sa abroad  kaya hindi niya maipapangako na makapag-concentrate ng kanyang singing career rito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply