Mangingisda ang pinakamahirap

BATAY sa mismong rekord ng pamahalaan, ang mga mangingisda ang may pinakamahirap na kalagayan sa repablik ni Juan. At milyon Suki, ang bilang nila, puwera pa ang kanilang mga pamilya.

Pinakamalaki ang bilang ng mga tinatawag na municipal fishermen o maliliit na mandaragat at nasa 700,000 sila.Nasa 300,000 naman ang nasa mga fishpond, fishpen at iba pa.

May 60,000 naman ang namamasukan sa mga komersyal na pangingisda gaya ng mga magbabasnig, magtutuna at iba pa.

oOo

Dahil sa anunsyo ng gobyerno na yumayaman na ang Pinas, sinilip natin ang buhay-buhay ng mga mangingisda kung kasama sila sa sinasabing pagyaman na ng ating bansa.

Diyan lang sa Navotas Fishport na libo at daan-daan ang mga nakahimpil na mangingisda, marami ang nagugutom sa mga ito.

Lalo na ang mga tauhan ng mga barko na hindi makapalaot dahil sa sobrang mahal na langis o diesel.

Dahil naman sa masama na panahon o tag-ulan ngayon, tsambahan ang pandaragat ng mga municipal fisherman. Kaya gutom pa rin ang marami sa mga ito.

‘Yung iba, sinasagasaan pa ng mga barko at nawawalan ng mahuli dahil sa pagmimina sa mga blacksand sa kanilang mga lugar.

Marami naman sa mga magpi-fishpond o fishcage ang hindi pa nakarerekober sa mga nagdaang baha na sumira sa mga alagaan ng isda at nagpalayas sa mga laman ng mga ito gaya ng mga tilapia, bangus, sugpo at alimango at iba pa.

Ang masakit, hirap at gutom na, hindi pa makautang sa gobyerno.

oOo

Dito natin naalaala ang pagpapautang ng gobyerno ng $1 bilyon sa International Monetary Fund na sobra ang yaman para isalba sa krisis ang mga mayayaman ding bansa sa Europa.

Ang bilis magpautang ang gobyerno sa mayayaman pero dedma sa mga maliliit gaya ng mga mangingisda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply