Manila Bay, mga estero at daluyan ng tubig lilinisin

BUMILI ng apat na trash boats ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para linisisn ang mga basura sa Manila Bay at iba pang daluyan ng tubig.

Inanunsiyo ito ni Environment Secretary Ramon J.P. Paje kaninang umaga kasabay ng pagsasabing plano ng Kagawaran na bumili pa ng 20 karagdagang trash boat.

Sinabi ni Paje na ilalagak ang trash boats sa mga local government units (LGUs) sa Central Luzon, CALABARZON at National Capital Region (NCR) para magamit sa paglilinis ng coastal at inland waterways at river systems na ang tubig ay dumidiretso sa Manila Bay.

“The trash boats are DENR’s way of assisting LGUs in two ways: cleaning up the waterways in their areas of jurisdiction, and ensuring the implementation of solid waste management, as they are mandated to do so,” aniya.

Ang apat na naunang nabili ay nakahimpil ngayon sa Manila Yacht Club compound sa Roxas Boulevard sa Manila at nakatakdang ibigay sa magkakahiwalay na turn-over ceremonies sa siyudad ng Malabon at Manila; sa Obando, Bulacan at Cavite.

Ang bawat isang trash boat na may sukat na 30 talampakang haba ay nagkakahalaga ng P1.733 milyon. Ang mga trash boat ay semi-mechanized at may rake-like device na kayang makakuha ng tatlong tonelada ng mga basura at debris.

Itatapon naman sa deck ng barko ang mga makokolektang basura at paghihiwa-hiwalayin sa mga markadong sorting bins na madali namang maililipat sa mga nakaistambay na trak ng basura.

Nabatid naman mula kay Director Noel Gaerlan ng DENR Manila Bay Coordinating Office (MBCO), na siyang nakatoka sa pagbili ng naturang mga barko, tutukuyin pa nila kung sino ang tatanggap ng 20 pang karagdagang units ng trash boats.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply