MPD nakaalerto sa pagdiriwang ng Independence Day

NAKA full -alert status na simula  ngayong alas 12:00 ng tanghali (June11) ang buong kapulisan ng Maynila para sa paghahanda sa paggunita ng Araw ng Kalayaan bukas na gaganapin sa Rizal park sa Maynila.

Kasabay nito nagpalabas na rin ang pamunuan ng Manila Police District ng rerouting advisory para sa mga motorist upang makaiwas sa  posibleng pagsikip ng daloy ng trapiko sa  lansangan.

Simula alas 6:00 ng umaga bukas ay isasara na ang bahagi ng Roxas Blvd. north and south bound lane  mula sa Katigbak hanggang TM kalaw Street.

Maging ang bahagi ng Ma.Orosa southbound lane mula sa P.Burgos hanggan TM Kalaw.

Habang ang lahat naman ng mga babagtas sa southward mula sa Delpan Bridge-Pier Zone ay dapat ba kumaliwa sa P.Burgos at dumiretso  sa  Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyan naman na galing sa norte patungong Roxas Blvd ay kinakailangan namang kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma.Orosa o dumiretso sa Taft Avenue patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Lahat naman ng PUJ na magmumula sa 3 tulay tulad ng McArthur, ,Jones at Quezon Bridge na magbabalak na dumiretso sa Ma.Orosa St ay pinayuhang dumiretso na lamang sa Taft Avenue kanan sa TM Kalaw hanggang makarating sa kanilang paroonan.

Habang ang mga cargo truck na babagtas sa Osmeña Highway ay kakanan sa Pres. Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan, H. Lacson, Yuseco St., at tumuloy sa Jose Abad santos diretso sa Raxabago, Capulong  patungo sa kanilang destinasyon.

Ayon kay P/Insp.Erwin Margarejo, bagamat wala pang sapat na bilang ang kapulisan na ipapakalat bukas sa pagdiriwang ng Independence Day na gaganapin sa Rizal Park,Ermita, Maynila ay nakaalerto naman ang buong pamunuan ng MPD upang magbantay sa seguridad ng publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply