Manny Pacquiao ideneklarang panalo!

MARAMING mga taga-showbiz ang nagbunyi dahil ang limang judge na nag-convene para sa World Boxing Organization (WBO) unanimously scored pabor sa Filipino ring icon Manny “Pacman” Pacquiao pagkatapos nilang ma-review ang tape sa naging laban nila ni Timothy Bradley last June 9 sa MGM Grand Arena, Las Vegas na kung saan pinagwagian ito ng Amerikanong boksingero via controversial split decision.

Ang limang hurado commissioned by WBO President Francisco “Paco” Valcarcel, unanimously scored the bout in Pacquiao’s favor, 117-111, 117-111, 118-110, 116-112 and 115-113.

Ngunit ang kontrobersiya ay under investigation pa rin ng Attorney General of Nevada pagkatapos na mag-request si Bob Arum.

Gayundin ang Nevada State Athletic Commission sa pangunguna ni director Keith Kizer ay re-review-hin din ang video kasama ang tatlong judges.

Sa kabila ng panel’s review ng WBO, hindi pa rin mare-reverse ang decision ng tatlong ugok na judges nung gabi ng laban.

Saklap!

Kaya itong pagrepaso kuno-kuno ng Attorney General ng Nevada at ng NSAC ay moro-moro na lang. Wala ring silbi ito. Ang magiging kasiyahan natin ay ang panigan din sana nila ang naging resulta ng HBO panel.

***

Pilot episode ng ‘Together Forever’ ikinatuwa ni Julie Anne San Jose

LAST Sunday umere ang kauna-unahang episode ng “Together Forever” at maganda ang naging pagtanggap ng mga viewer, lalo na ang mga fans ng “JuliElmo” love team. Masaya rin ang pakiramdam ni Julie Anne San Jose sa resulta ng pilot episode. “Masaya po ako dahil sinuportahan kami ng mga tao, at mas lalo pang masaya dahil mataas ang ratings noong pilot episode,” ani ni Julie Anne.

Hoping at praying si Julie Anne pati na rin ang buong cast ng Together Forever na magtuloy-tuloy ang suporta ng mga fans at pipilitin nilang lahat na pagbutihin pa para sa mas ikagaganda ng show.

Ngayong Linggo sa Together Forever, parehong may problema sa pamilya nila ang magparekoy na sina Toyang (Julie Anne San Jose) at Ely (Elmo Magalona). Buti na lang at nandiyan sila para sa isa’t isa. Ely comforts Toyang at ipaparamdam niya rito na hindi siya nag-iisa. Ely kisses Toyang’s tears away at dahil dito, mare-realize ni Toyang ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Ely.

Lalo pang bibilis ang tibok ng kanyang puso matapos aminin ni Ely na inspired din siya ngayon.

Magtapat na nga kaya ng true feelings si Ely? Mag-level up na nga kaya ang friendship ng magparekoy na sina Ely at Toyang?

Alamin sa Together Forever ngayon Linggo, June 24, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA.

***

Tagasan ba talaga si Ipe sa Pasay o sa Bulacan?

KUNG kami sa mga pralala ni Philip Salvador ay iladlad na lang nila ang nagawa ng action star sa mga taga-Bulacan kung meron man para maramdaman naman nila na mahal nga sila ng una at hindi dahil nasulsulan lang ito o natayaan sa darating na eleksyon.

Hindi naman kailangang nasa poder para gumawa ng magagandang bagay para sa mga kababayan mo. Nag-donate man lang ba si Philip ng isang jetmatic pump sa isang pamilya na taga-Bulacan para naman masabi natin na kahit nung araw na wala pa sa isip niya ang kumandidato, handa na talaga siyang tumulong sa mga kababayan nya?

Nagulat kasi ang mga Bulakenyo sa biglaang anunsyo ni Ipe sa pagpalaot nito sa politika gayong wala naman itong kaplano-plano para sa probinsya ng kanyang ina. In fact, ang sinasabi ng mga tagasunod niya ay sa Pasay siya tatakbo.

At sa mga sipsip sa action star, para lamang mapasaya nyo siya ay kung anu-ano nang paninira ang ikinukulapol nyo kay Bulacan Vice Governor Daniel Fernando. Tinitira nyo yung tao, e, SK chairman pa lang ito marami nang nagawa sa kanyang constituents.

Ang gawin nyo na lang, samahan nyo si Ipe, umikot kayo sa buong lalawigan para ma-familiarize siya sa kanyang lugar na hindi naman nito kinalakihan at tinirahan.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply