‘Manny Pacquiao is not ready!’ – Bradley

UNDERDOG si Timothy Bradley sa botong 5-1 para sa laban niya sa Las Vegas sa Linggo, pero nakita niyang si Manny Pacquiao ay parang “laspag, pagod.. at hindi handang sumagupa.”
“He’s worn out, tired, I can see it in his eyes, the wrinkles,” ani Bradley. “This boy’s not ready for me.”

Nangingiti lang si Bradley dahil sa odds sa kontra sa kanya sa pag-iskor ng knockout or winning close rounds  judges’ scorecards laban sa sikat na kampeon.

“No round is off,” ani Bradley. “He might start off fast, but I’ll figure him out. The smart way. The Bradley way.”

Sa final news conference kamakalawa, nangiti lang si Pacquiao nang yakapin ni Bradley at kamayan.

Pero ngiting pairap lang ang ibinigay ni Bradley, pero nginitian pa rin siya ni Pacquiao, umingos pa rin si Tim, bumaba na lang ng tingin si Pacquiao at lumayo.

Ang ama ni Bradley na si Ray ay isang construction boy sa Palm Springs at  namasukan ding guwardiya para masuportahan ang pamiliya. Dose anyos pa lang si Timothy ay natuklasan na niya ang career sa boksing.

Nang matuto siya ng boksing, sumagupa siya sa Silver Gloves regional competition sa Los Angeles kontra Arizona southpaw at future contender na si Jesus Gonzales kung saan siya nagwagi.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply