Manny Pacquiao malapit nang gumawa ng pelikula sa Hollywood

LUMULUHA si Nina Jose kapag naalala ang ex-boyfriend na isang businessman. Isang buwan na raw silang walang communication. Ang masakit daw kay Nina ay hindi pa sila formal na nagkakausap ng lalaki. Kumbaga, wala pa silang formal break up.

Inamin ni Nina na ang ex-boyfriend niyang ito ang totoo niyang minamahal kaya napakasakit ng kanilang paghihiwalay.

Matatag na babae si Nina. Patuloy pa rin siyang nagre-report sa set ng “Valiente” ng TV5 dahil very pivotal ang kanyang role bilang luka-lukang anak ni Dona Trining na role ni Jaclyn Jose.

Fatally attracted si Nina kay Gardo Valiente na role ni JC de Vera na bida sa soap.

Sa araw ng kasal nila ay ‘di nakasipot si Gardo kaya lalong nagwala si Nina.

Magaling magdala ng role niya bilang may sayad na babae si Nina, pati si Direk Joel Lamangan ay napahanga niya kapag take na niya sa Valiente.

Extended ng one month ang nasabing soap dahil may pinasok na bagong character, si Lorna Tolentino bilang naghihiganting kapatid ni Don Luis, na role ni Tirso Cruz III na kamamatay lang.

000

NASA Los Angeles, California na si Rep. Manny Pacquiao. Doon siya magkakaroon ng puspusang training para sa June 6 fight niya sa Las Vegas.

Pero habang nasa LA si Pacman, lumilinaw na may producer na gustong kumuha sa kanya para maging artista sa Hollywood.

Balitang napapayag na ang Pound for Pound King sa mundo ng boxing at hinihintay lang nitong lumuwag na ang kanyang schedule pagkatapos ng kanyang fight kay Bradley.

Anyway, bago umalis si Manny patungong America, nakapag-ipon na siya ng enough tapings ng Manny Many Prizes. Tapos, nai-insert na lang tuwing show ang latest happenings ni Manny sa kanyang training. Up to date happenings ang ipinalalabas sa show.

Laging binibigyan ng pagkakataon ang sinumang contestant ng Manny Many Prizes para magkapremyo ng P1 million tuwing Sabado. Bukod pa rito, laging may pamasahe ang mga taong matiyagang nanonood ng programa.

000

OKAY lang kay Lorna Tolentino na pumirma muli ng another guaranteed contract sa TV5. Magagandang projects naman kasi ang ibinibigay sa kanya ng Kapatid network. Pagkatapos ng Glamorosa, ipinasok siya sa isang malaking character sa Valiente, ang top rating soap ng TV5.

Nasabi ni LT na sana’y may bubuksan siyang panibagong programa na once a week na isang horror show. Naantala ang start ng horror-fantasy-drama program dahil sa biglaang pagpasok ni LT sa Valiente.

Masaya siya sa soap na idinidirek ni Joel Lamangan dahil alam niyang very disciplined director ang katrabaho niya. ‘Pag pumasok ang 12 midnight na time sked ni Direk Joel, stop na ang taping nila. Ayaw kasi nitong mag-overtime sa set.

Sa unang mga eksena ni LT, medyo naalangan siya. Ang hahaba kasi ng kanyang linyang mememoryahin. Pero nagawan ito ng paraan. Alam naman nating magaling na actress si LT.

Sa mga kasama niya sa set na artista, wala siyang problema dahil pawang magagaling din sila.

Kasama niya sa soap sina JC de Vera, Nadine Samonte, Jaclyn Jose, Oyo Boy Sotto  at Nina Jose.

In case na may nakasama naman siyang artista na ‘di agad nakapag-di-deliver ng hinihingi ng direktor, adjustable din naman si LT at pasensiyosa.

Okay lang sa kanya na siya lang ang mai-take, tapos sa editing na lang daraanin ang kasama niyang artista. Kumbaga, pwedeng kunan ng separate ‘yung kaeksena niya hanggang maibigay ang tamang acting.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply