Marami ang naiintriga kay papa! (Hakhakhak!)

HINDI na nga babalik pa si Ruffa Gutierrez sa Paparazzi ngayong Sabado dahil nga sa “pambabastos” na ginawa raw sa kanya sa birthday celebration niya sa show last Saturday? Seemingly, puro naughty questions yata ang ibinulong ng kanyang co-hosts na sina Cristy Fermin, Mr. Fu at Mariel Rodriguez sa kanya na hindi niya nakayanan dahil nanonood daw ang kanyang dalawang anak na babae ng mga oras na ýun!

Bago pa ito ay nag-react na rin si Ruffa sa Pasabog portion ng Paparazzi kung saan may dalawang grupo ng reporters ang malalaban-laban sa pagbibigay ng blind items. Hindi nagustuhan ni Ruffa ang blind item ng movie scribe na si Mercy Lejarde kung saan gumamit pa ng term na ‘landscape’ ito. On air ay sinabi niya na ayaw na niyang maging part ng Pasabog portion sa susunod na linggo. Tapos nang ginawa na nga ang bulungan questions sa kanyang birthday celebration portion ay tuluyan na siyang napikon at nagdesisyun na i-announce ang kanyang resignation mula sa show mismo sa kanyang Twitter account.

Sari-saring reaksyon ang nabasa namin sa Facebook tungkol sa pagre-resign ni Ruffa sa show. May nagsasabing dapat daw hindi nagreact nang ganoon si Ruffa kasi wala naman daw narinig na questions ang televiewer. May nagsasabi naman na dapat isisante na ang writers ng show dahil puro kabastusan lang daw ang nalalaman ng mga ito.

As of this writing ay wala pang sinasabi ang Paparazzi kung sino ang ipapalit nila kay Ruffa ngayong Sabado. But the show must go on at nandoon pa rin ang ibang hosts ng show na sina Cristy, Zoren Legaspi, Dolly Ann Carvajal, Mariel at Mr. Fu!

***

ISANG Kapuso artist na ang pamangkin ni Piolo Pascual na si Benjamin Alves at ngayon ay ginagawa niya ang horror film na Guni-Guni kasama si Lovi Poe. Kasama rin siya “Cono Problems” ng GMA Films sa MMFF at sa darating na August ay sasabak na rin siya sa isang teleserye.

Kung mukha siyang pamilyar ay dahil galing na siya sa Viva noon at nakasama siya sa mga pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo at Apat Dapat, pero kailangan niyang umalis muna sa showbiz para tapusin ang pag-aaral niya ng English Literature sa University of Guam kung saan nagtapos siya bilang Summa Cum Laude.

Pero sadya ngayong napakalakas ng atraksyon ng showbiz sa kanya kaya imbes na i-pursue niya ang pagiging isang English professor ay minabuti niyang mag-artista ulit and this time bilang bahagi ng GMA Artist Center.

Malaki ang pagkakahawig niya kay JM de Guzman, only taller and hunkier!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply