Marami na ang ayaw manood ng boksing

NAKATAYO si Rip Hamilton, isang American reporter malapit sa MGM Grand bar noong gabi ng Linggo at nilapitan ang isang matandang kalbo na matabang lalaki.

“I will never watch boxing again!,” galit na komento ng isang American fan ni Pacquiao, “Never!”

“I’m done watching boxing!”

Halos mayorya ng reaksiyon ng mga nanood na fans sa casino hotel ang ‘di pabor sa naging desisyon ng tatlong judges, dahil iisa ang paniniwala at nakita nilang nanalo talaga si Pacquiao kontra Bradley.

“This is (bleeping) nuts,” mariing sabi ni Arum, na may hawak sa dalawang boksingero. “I’ve never been as ashamed of the sport of boxing as I am tonight. I’m going to make a lot of money on the rematch, but this was outrageous.”

Aniya, kahit si Bradley ay aminado sa kanyang sarili na hindi niya kayang talunin si Pacquiao.

“Can you believe that? Unbelievable. I went over to [Timothy] Bradley before the decision, and he said, ‘I tried hard, but I couldn’t beat the guy,’” ani Arum. “The (judges) don’t know what they’re watching. I stand to make millions of dollars with a rematch … But these old (bleeps) don’t know what the hell they’re looking at anymore, ” inis na wika pa ni Arum.

Si Arum ay edad 83-anyos na at ayaw na niyang malagay pa sa kontrobersiya ang lahat. Ito ang kauna-unahang talo ni Pacquiao buhat noong 2005 nang talunin siya ni Erik Morales.

“This is unbelievable. It was 10-2 in rounds (for Pacquiao), at least (Bradley’s corner) had it 8-4 for Pacquiao,” ayon kay Arum. “Right after the fight, Bradley said he did his best but couldn’t get to Manny.”

Si Bradley, ay nangako naman sa sarili na titibagin si Pacquiao, pero hindi naman nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply